Pangitain…
Bumaba mula sa malawak na kalangitan ang apoy papunta sa aking kalagitnaan… ipo-ipo itong gumalaw habang papalapit sa aking dibdib… Sabay ako’y yinakap! Hindi ako makaalis sa mahigpit nitong hawak sa aking kamay… ulo… paa… at tenga. Ang mga mata ko ay binalot ng liwanag…! Hindi ako makakita kundi ang liwanag ng apoy… dama ko rin ang init! Oo! Ang init nito! Pinipilit kong gumalaw ngunit hindi ko kinaya ang lakas Niya. Tila buhay ang apoy na pumipigil sa aking paghinga… Nakalapat na ang buo kong katawan sa lupa, hindi talaga ako makagalaw! Wala akong magawa kundi pakinggan ang bulong ng apoy na maliwanag na nagsasalita sa aking mga tenga. Ang init ay hindi nakakapaso, hindi nakakamatay… kundi parang isang tubig na nagpapatanggal ng uhaw at ulap na naghehele sa akin noong oras na iyon.
Habang ako ay nakahalik sa lupa at yakap ng apoy, hindi ko maiwasan ang magtanong….
“Bakit ayaw mo akong pakawalan? Hindi ba, hindi ako karapatdapat na lapitan? Bakit ako?!”
Bulong ng apoy, “pinulot lang kita sa lupa…”
“Oo nga. Alam ko, hindi ako karapatdapat sa tulad mong makapangyarihan. Bakit mo pa ako linapitan? Bakit mo pa ako yinakap? Hindi ako nararapat na hawakan ng tulad mo.”
“…dahil mahal kita. Ayaw ko na mawala ka sa akin, ayaw ko na saktan mo ulit ako. Mahal kita bago pa kita dinampot mula sa lupa. Mahal na kita bago ko pa ginawa ang lupa! Sumama ka sa akin… at dadalhin kita sa magandang paraiso. Hindi ka taga-rito, may misyon kang dapat tapusin bago ka bumalik sa tunay mong tahanan.”
bulong ng apoy sa isang batang nakasubsob ang mukha at katawan sa lupa.
———-
Ipagpapatuloy…
V-VIII-MMVIII
hi guys! plug lng po ulit
- available na po yung chapter 13 ng walang paglagyan sa tagalog online pocketbook
- http://tagalogonlinepocketbook.wordpress.com/2008/05/07/kabanata-13-walang-paglagyan/
- need ko lang po tlaga ng suggestion pra sa last two chapters kasi lately na ba-blanko isipan ko, pasensya na.
hmm.. ang ganda naman ng “pangitain” na ‘yan..
ipagpatuloy ang misyon G. Lapis..
o pag nagkita tayo.. dahil magtatagulan na… umuulan ng malakas at makikisilong sa isang “waiting shade” at nandun ka din.. paglingon ko sa katabi ko.. ikaw pala yun.. haha… parang sa coffee ad? haha.. mas magaling ka ata gumawa ng kwento sa “pagkikita” na iniisip natin…
GB!