MAY ISANG mayaman na nagpagawa ng napakalaking mansyon. Hindi maitutulad ito sa lahat ng mansyon sa buong mundo. Ito ang pinakamaganda, malawak, malaki at pinakamagarbo sa lahat! Mayroong mahigit sa dalawang daang kwarto at naglalakihang sala. Limampung kusina at hapagkainan, at daan-daang CR, na ang bawat kwarto ay mayroon. Mahusay ang pagdidesenyo at kulay nito. Walang hihigit ni ang ‘white house ng america’ at lahat ng bahay na engrade sa buong mundo. Angat na angat ang kayamanan ng lalaki sa makulay at napakalaking mansyon nito.
Dahil dito, nagpagawa rin siya ng pinakamagandang kwarto sa lahat ng kwarto. Pinakamakulay, pinakamalaki, pinakamahal sa lahat. Mula sa makapal nitong dingding, sahig at mga kagamitan ay pinagkagastusan talaga ng bilyon bilyong salapi. Ito ang maituturing na espesyal sa lahat para sa espesyal na kaibigan.
Isang araw, inimbitahan na niya ang kanyang kaibigan, si ‘Hesus’. Kumatok sa mala-ginto, mataas at malapad na pintuan ang Panginoon. Pinapasok ng mayamang lalaki at idinala sa ‘espesyal na kwarto’ na inihanda niya para sa kanyang espesyal na kaibigan.
“Panginoon, nagpapasalamat po ako dahil pinagpala niyo ako ng ganitong napakalaking bahay. Dahil diyan, pinaghandaan ko kayo ng pinakamagandang kwarto sa lahat ng kwarto bilang pasasalamat. Sa inyo po iyan. Lahat ng kagamitan diyan ay maari niyong gamitin. Kung mayroon lang kayong kailangan, tawagin niyo lang po ako at paglilingkuran ko kayo.”, wika ng mayaman.
‘Pagkatapos ng kanilang pag-uusap, lumabas na ang bilyonaryong lalaki. Kasabay ng pagkasara ng pintuan ng kwarto ng Panginoon, may kumatok sa mala-ginto, malaki at malapad na pintuan sa harap ng mansyon. Bumaba at pumunta siya rito. Binuksan ang pintuan. Nagulat siya ng nakita niya si ‘satanas’ na nakatayo sa harapan niya.
“Bakit ka naririto??!!! Hindi kita inimbitahan!!”, nanginginig na isinigaw kay satanas.
Lingid sa kanyang kaalaman, maraming kasama ang diyablo na nakasakay pa itim na van. Pinasugod ni satanas ang kanyang mga alipores upang bugbugin ang natatakot na lalaki. Sabay sigaw ng mayaman sa Panginoon na mahimbing na nagpapahinga sa kanyang kwarto na may makapal na dingding at pintuan.
Tinadyakan! Sinapak! Pinagsisipa! Pinahalik sa lupa hanggang magdugo ang kanyang mukha! Linumpo ng mga alipores ng kaaway ang hindi makalabang binata. Hindi tumitigil sa pagtawag ang mayaman sa Panginoon, ngunit wala talagang sagot na natatanggap.
‘Pagkalipas ng dalawang oras, umalis na ang mga diyablo na nagnanakaw sa mansyon ng mayamang lalaki, nanira at bumugbog sa kanya. Duguan siya at hirap ng maglakad nang iniwan siya ng mga masasamang loob. Dahan-dahang umakyat at pumunta sa kwarto ng Panginoon. Kumatok. At nang buksan ni Hesus ang pintuan, sumalubong sa kanya ang galit at poot ng mayaman.
“IBINIGAY KO SA’YO ANG PINAKAMAGANDANG KWARTO SA AKING MANSYON! PERO… BAKIT MO AKO PINABAYAAN?!!!! KANINA PA AKO SUMISIGAW SA PANGALAN MO HABANG PINAHIHIRAPAN AKO NG MGA KASAMA NI SATANAS! HINDI MO AKO TINULUNGAN! MUNTIKAN NA AKONG MAMATAY!!!”
Mahinahon na sagot ng Panginoon,
“…nagpapasalamat ako sa kwartong ibinigay mo sa akin. Inalayan mo ako ng napakaganda at napakalaking lugar sa bahay mo. Binigyan mo ako ng karapatan na galawin ang lahat ng kagamitan dito. Nagpapasalamat ako doon. Ngunit binigyan mo nga ako ng karapatang mamahala sa kwartong ito, hindi mo naman ako binigyan ng kapangyarihan na manirahan sa kabuuan ng iyong mansyon.”
- ginoong lapis, IX-XIII-MMVIII
(inspired by the ‘Parable of the Mansion’)
You wrote this piece?
It’s a nice one. Indeed, we shouldn’t just let the Lord take over a part of us. Rather, we should let Him consume and reign in all that we are, and all that we have.
maganda to ah!
grabe… ayos ‘to….
salamat sa post… it reminds me of something..
something to realize about..
ang kahalagahan ng lahat ng bagay..