Ang mga kwentong inyong mababasa ay batay sa aking sariling karanasan. Ito’y walang halong pambobola kundi pawang katuwaan lang. Ang mga ito’y pili at makabuluhang tagpo ng aking buhay. Kung nagtataka kayo kung bakit ko pa natatandaan ang mga ito, marahil datapwat ngunit subalit hindi ko rin alam. Siguro, ang ibang parte ng aking kwento ay hindi eksaktong eksakto sa tunay na pangyayari, ngunit mas sinisigurado kong 99.9 germ free/pambobola ang aking ikkwento sa inyo. Pwes! tara na! simulan na ang kwentuhan!
![]()
—————————–
“3rd honorable mention: MOLMISA, MARLON C.” sabay palakpakan! ang saya! awhhooo!
Graduation ko nang kinder yun. Ansarap sa tenga ng palakpakan. Siyempre, wala pa akong kamuwang muwang noong panahon na yun. Kaya medyo hindi ko pa maapreciate ang mga bagay bagay.
Umakyat ako sa stage kasama si nanay. Aba! Sobrang ngiti ang aking ina, lagpas tenga. Naglakad kami papunta sa may naghahawak ng medals. Kapit-kapit ako ni nanay nun sa kamay nang isukbit sa akin ang medalyang ambigat sa leeg, ang kati pa sa batok. Sabay kuha ng certificate… kamay sa mga titser… punta sa gitna… tapos, BOW! Ayun, nahulog ung sumbrero ko (toga). haha! Anluwag kasi, pang kay jollibee.
Anyways, pagbaba ko ng stage, sumalubong ang aking itay. (slow motion) Papalapit siya sa akin na may hawak na regalo. Nakalimutan ko na ang kulay ng gift wrap. Basta regalo. Dahan dahang naglakad papalapit, at ako naman ay papasalubong. Nang magtagpo na kami, AYUN! Binigay sa akin ang regalo sabay shake hands, congrats daw. naks! (parang congressman lang.. hehe..)
Excited na akong buksan ang regalo pero sabi sa akin ni tatay mamaya ko nalang daw buksan. Ok fine. Bumalik na po ako sa aking upuan katabi ang second at fourth honor. Nang maupo na ako, naiinggit si fourth honor, bakit daw ako may regalo. Natatandaan ko pa nga ‘yung sabi niya, ‘andaya! may regalo.’ Aba… nagulat ako dun ah. Hindi ko maarok kung anong konek ng regalo sa pandaraya. achuchu! Dedma lang. Ingit lang ang lola. Go! Tuloy ang program.
Habang nakaupo ako, nagkkwentuhan si second honor at first honor. Crush ko kasi nun si second honor kaya medyo behave ako sa upuan baka ma-turn off. yihi! Plus, kapag naririnig ko ang boses niya, e tila nahuhulog ang aking puso at napupunta sa liver. hays.. puppy love. Kaya noong narinig ko ‘yung boses niyang nakikipag-usap sa isa pa niyang katabi, hindi ko naiwasang mapakinggan. Ito ang mga natatandaan kong sabi niya: ‘Klasmeyt, marami pala kaming Top 2.’ Sagot ng kausap niya: ‘Kami rin eh. apat daw kaming Top 1 sabi ni mommy.’
Nang marinig ko yun, natanong ko tuloy sa katabi kong naiinggit sa regalo ko, Top 3 din ba itong nasa harapan ko? Sumagot siya: Oo. Kaso di ko kilala yan. Unti-unting gumagana ang aking HOTS (Higher Order Thinking Skills). BAKIT KAYA MARAMI KAMING TOP 3? PAANO NANGYARI YUN?
Nang matapos na ang graduation, siyempre picture2 muna sa tabi ng mga bulaklak sa stage. Pagkatapos, sumakay na kami sa kotse. Habang bumabyahe pauwi tinanong ko si nanay kung bakit marami kaming TOP 3. Sabi niya masisipag daw kasi sila at kagaya ko matatalino din daw sila. Infernezzzz! Nabola ako ng nanay ko nun. haha! Kaya, Zziip.. ayaw ko ng magtanong baka bawiin pa ang sagot niya.
Maya maya lang, ‘pagdating sa bahay namin wala na akong sinayang na oras. Umakyat na ako ng hagdanan. Nagtago sa kwarto at binuksan ang regalong binigay ni tatay. Buong ingat kong binuksan yun. At sa ilang segundong pagtanggal ng gift wrap, tantanantanan!!!! LEGO.
- ginoong lapis
XII-XVI-MMVIII
..kakatuwa naman poh..ahhhm thats really a puppy love.. tunay!! haha.. kinder palang yun ah? tarUSH!!…. hehe
..i added you po pala sa blog roll ko.. ^^
grabe kinder ka pa lang dude may lablyf ka na…
naman!
buhay pa ba ang legong yan hanggang nagyon?
mahilig din ako dati sa lego
at hayun hindi ko maalala kung may honor ba ako basta nakikita ko sa mga pichurs may medal naamn ako!
hakah!
ang galing, daming top 3. heheh.
nakakatawa. hahahahahaha! wala akong masabi. magaling!
09273458913 — Please?
gusto ko pong makausap kaw
hhmmm…
wala aqng naintindihan..
bwahaha!joke lng..
naku naman…
nakakatuwa naman mxado ang post mo..(=
ang tindi ng memory m anya…
wla nq maalala nung kinder days q eh…
seryosong comment ng eic:
pinsan ba ni ginoong lapis si Bob Ong?
o nagkataon lng ang lahat?
i like Ong’s works…mejo hawig sa style ng pagkakasulat m ne2 at dun sa Grade1 n kwn2 mo..
(sineryoso ang pag HIRE m saken as eic??haha!!)
kip on sharing ur totz!!
God bless…