ANG NAKARAAN: http://ikatlongpencilcase.wordpress.com/2008/12/16/kinder/ Basahin niyo nalang, tinatamad akong ikwento.. haha!
Grade 1, section star. Unang Room katabi ng ‘teachers’ room’ (ata un?!).
First day ng klase, lahat bago. Bagong notebook. Bagong lapis. Bagong pantasa. Bagong pambura. Bagong grade 1 pad. Bagong uniform. Bagong bag. Lahat bago! Ansarap sa ilong ng amoy, tumatambay sa nostrils.
Ako pa nga ang pinakamaaga nung unang klase, bitbit na naman ako ng aking maarugang ina. Tahimik lang ako noon. Kung nakakita na kayo ng batang parating nakatikom ang bibig at kapag naglalakad e nakikipagtitigan sa lupa, ganun ako ka-behave. As in, mahiyain ako sa maraming tao at untouchable sa get up kong naka-one side na buhok at naka-tack na puting t-shirt sa kulay brown na short. Na-imagine niyo na?
Hindi ko ikinakahiya na produkto ako ng pampublikong paaralan. Kung mayaman lang kami, edi dapat sa ATENEO ako nag-aral (Ayun e kung tanggapin ako dun..). Kitang kita sa itsura ko nun na estudyante ako ng public school. Kasi sabi ko nga, lahat bago sa akin. Pwera lamang ang sapatos ko. Bilang bunso sa magkakapatid, ako ang ‘dakilang tagapagmana’ ng kanilang pinaglumaan. Haha! Ansaya db, ang yaman ko sa mana.
Kaya nang pagpasok ko sa klasrum noong first day nang grade 1 ako, pinaupo ako ng titser ko sa row 3, bandang gitna. Siguro pang apat na hilera. Nakatabi ko nun si klasmeyt na itago natin sa pangalang, Kengkoy! Napakabait, tahimik, matulungin at napakamayaman magbigay ng compliments ang batang ito. Sa katunayan niyan, first day palang ng klase nakapagpaiyak na siya ng tatlong inosenteng kaklase ko. (Tatlo nga ba? Hindi ko masigurado, basta nakapagpaiyak siya ng dalawang babae, ung isa ata e lalaki.) Nasira niya agad ung upuan naming gawa sa kahoy. (Tanggal ung turnilyo.) Plus, napatayo siya ng titser ko sa harapan sa sobrang halakhak at pang-aasar sa mga kaklase ko. O db, mabait na bata.
Noong mga oras na un, siyempre tahimik lang ako. Hindi makabasag pinggan. Hindi ko na siya pinapansin kasi baka ako pa ang asarin. Sabi ko nga sa inyo, takot ako sa maraming tao. MAHIYAIN AKO NOON! Asus! Maniwala nalang kayo. Huwag ng kumontra.
Habang nakatayo si Kengkoy sa harapan, pinakuha na sa amin ni titser ang covershoes at pinasuot. Hindi ko pa alam noon kung anong bagay sa loob ng bag ko ang covershoes. Nang ipinakita ni ma’am ang itsura ng covershoes, ayun pala ‘yun! Alam ko na. Sinuot ko na agad. Pero sa isang sapatos lang. Isa lang kasi ung nakita ko eh. Sabay umikot na si titser para icheck ang walang covershoes.
Napatigil siya sa harapan ko. Napahinga ako ng malalim. Bugtong hininga at slow motion na naman ang scene. dugdug… dugdug… rinig na rinig ko ang pilantik ng takong ni ma’am. Habang ako, nakaupo ng tuwid sa upuan ko, hindi makahinga sa kaba.
‘MOLMISA. Bakit isa lang ang covershoe mo?’
Nagulat ako kasi kilala agad ako. Nung panahon na ‘yon siyempre hindi ako makasagot. Maski ako e nagtataka kung bakit isa lang ang shoe cover ko. Hinuha ko kinuha ni Kengkoy. (Namintang pa?! hehe..) Kaya naisip din ni titser ang naiisip ko. Pinaupo na ni ma’am si Kengkoy. Tapos tinanong kung kinuha ba niya ang isang pares ng shoe cover ko. Alam niyo ba kung anong sinagot?!
‘Hindi ko po kinuha. Ang pangit pangit ng sapatos! Pangit din po ng covershoes niya, ma’am.’
Ouch! ITSSSSS HURTSSSS.. toinks! itutuloy….
-ginoong lapis
XII-XIX-MVIII
awts. sakit.
wag mong sabihin na ang sapatos na gamit mo noon eh ginamit ng lahat ng kuya mo.
shocks.
grabe!
naawa naman ako sayo! tol!
tagapagmana!
hakhak! buti na lang panganay ako!
at ang gago ni kengkoy ah!
sarap sapakiN!
Ah ok.