Unang bertdey ni ginoong lapis. June 20, 1991. Sa kanilang munting tahanan.
——————————————–
Kung pwede nga lang magswimming pabalik sa nakaraan, matagal ko nang ginawa. Siguro kung pwede nga ‘yun, baka malunod ako. Ay hindi! may salbabida naman. Pero baka hindi kayanin ng salbabida ang bigat ng alon ng buhay ko. Edi mag-banka! Pero hindi rin.. baka masira lang sa lakas ng hampas ng tubig. Malaking tulong siguro ang barko! OO! TAMA BARKO! Kung hindi pwede ang salbabida at hindi kakayanin ng banka, MAGBABARKO NALANG AKO! Oopss.. Teka lang.. Napakahaba ng lakbayin. Tinatanaw ko palang, parang nahihilo na ako. Paano pa kaya ang sumakay sa malapagong na barko. Buti pa kung SuperFerry ang sasakyan ko. Isa lang ang konklusyon ko: hindi ko na mababalikan ang kahapon.
Ito na ako ngayon. 18 years old. Lalaki pa rin. Siyempre naman noh, churva! Simple pa rin ako katulad ng dati. Nabawasan nga lang ang kaCUTEan dahil sa stress at pressure na dulot ng pag-aaral. Kahit na, CUTE pa rin!
Nag-aaral ako ngayon sa isang maliit at fresh na fresh na pamantasan sa Pasig. Ngayon, sabi nila Unibersidad na raw. Basta, itanong-tanong niyo nalang kung saan ako nag-aaral, baka makita niyo akong pakalat-kalat sa labas ng geyt at kumakain ng fish ball at umiinom ng buko juice. At sa lahat naman ng alam na kung saan ako nag-aaral, hanapin niyo nalang ako sa COLLEGE OF EDUCATION. Opo. Educ ako. Taas noong ipinagmamalaki sa madlang pipol na ang dugo ko ay para sa pagtuturo. Sa totoo lang, hindi naman talaga ayun ang pinakagoal ko sa buhay. Ang gusto kong mangyari ay ang makapagpatayo ng sarili kong eskwelahan. Kailan kaya yun? Abangan!
Kung nakita niyo na ang bulwagan ng colegio educazione, tanungin niyo lang ang pangalan ko sa mga nakaupo dun sa study area. Sabihin niyo, si Marlon ng BEED. For sure, hindi ako kilala nun! haha! jowks lang. Siyempre, kaunti lang naman kami sa college kaya 75% ang posibilidad na kilala ako ng sinuman ang pagtatanungan mo. Kaunti lang din kami sa BEED. 2 sections lang. Bakit ba kasi ako nagBEED? At ano ba ang BEED?
Bachelor in Elementary EDucation. Ayun ang BEED. Plus, wait lang. May specialization din pala kami, ang PSED. Ano naman ang PSED? PreSchool Education. Bongga db.. kaya hindi kami pwedeng maliitin ng sinuman at ninuman dahil mahirap din pala mambola ng bata. Kinakarir din pala un. hayst. Kaya maraming nagtatanong kung bakit ba ako nag-elementary education? Sa dami dami ng propesyon, bakit ito pa ang pinili ko. Sa totoo lang, hindi ko pinili. Sadyang bumagsak nalang sa harapan ko at nag-aamok na pulutin ng aking mga kamay. Tatanggapin ko ba o tatakasan? Ito nalang ang paraan upang makabalik ako sa nakaraan…

heypi burtdeiii…